Inanunsiyo ng Government Service Insurance System (GSIS) na mayroon silang inilaan na P315 milyon na pondo bilang emergency loans para kanilang mga miyembro at pensioners na apektado ng oil spills dahil sa pagtaob ng barko sa Nujan, Oriental Mindoro.
Sinabi ni GSIS president Arnulfo Veloso, dahil sa malaking bahagi ng Oriental Mindoro ang apektado ng oil spill ay umaasa sila na makakaibsan ang kanilang loan program sa kanilang mga miyembro at pensioners.
Ang nasabing hakbang aniya ay matapos na pakiusapan sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kung maari ay tulungan ang mga miyembro at pensioners na apektado ng oil spill.
Dagdag pa nito na mayroong inilaan ang GSIS ng kabuuang P6.2 bilyon bilang emergency loan program ngayong taon.
Magugunitang nagdeklara ng state of emergency ang mga bayan ng Bansud, Bongabong, Bulalacao, Gloria, Mansalay, Naujan, Pinamalayan, Pola, at Roxas sa Oriental Mindoro dahil sa oil spill.