-- Advertisements --

Nakatakdang ipamahagi na ng Government Service Insurance System (GSIS) ang P100 milyon na assistance bilang bahagi ng education subsidy sa mga anak ng miyembro nila.

Sinabi ni GSIS president and general manager Wick Veloso na ang GSIS Educational Subsidy Program (GESP) par asa kasalukuyang academic year ay may inilaan na P100 milyon na financial assistance sa 10,000 na mga kuwalipikadong anak ng mga GSIS members.

Bawat estudyante ay makakatanggap ng tig P10,000 per academic year.

Sa nasabing programa ay mayroong 12,140 aplikante ang kanilang natanggap sa buong bansa.

Sa 10,000 selected grantees ay 23 percent ay mula sa South Luzon at Mindanao, 22 porsyento mula sa North Luzon at 20 porsyento mula sa Visayas.

Habang ang natitirang 12 percent aniya ay mula sa Metro Manila.

Napili ang mga grantees base sa employment status ng mga miyembro ganun din ang annual basic salary at loan payments.

Ang mga ito aniya naka-enroll ng apat haanggang limang taong kurso sa Commission on Higher Education-registered private institutions o state universities at colleges.

Nararapat na ang mga estudyante ay mayroong general weighted average ng 80 percent.

Pinayuhan din nila ang mga GSIS member na nais kumuha ng nasabing programa na makipag-ugnayan na sila sa kanilang opisina.