-- Advertisements --

Nagsagawa ng demonstrasyon ang pamilya at ilang mga tagasuporta ni Mary Jane Veloso sa tapat ng Korte Suprema ngayong araw.

Panawagan nila na pabilisin ng Kataas-taasang Hukuman ang pagdinig sa kasong isinampa ni Veloso laban sa kanyang mga recruiters.

Layon anila rito na kung ma-expedite ang kaso ay tuluyan na siyang makapagsusumite ng testimonya upang patunayan na siya’y biktima ng human trafficking at illegal recruitment.

Katuwang ang kanyang abogado mula sa National Union of People’s Lawyers, kanilang hinimok ang Korte Suprema na maglabas ng desisyon sa mosyon na ituloy ang paglilitis sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City kung saan siya nakadetene.

Human trafficking, illegal recruitment at estafa cases ang kasalukuyang ‘pending’ pa rin sa Regional Trial Court Branch 89, Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija ang mga kasong inihain ni Veloso.

Habang ang grupong MIGRANTE International nama’y nagpahayag ng pagkadismaya dahil sa umano’y mabagal na pag-usad ng kaso.

Kung kaya’t dahil rito’y ibinahagi ng kanyang ama na si Cesar Veloso ang kanyang saloobin at pati panawagan kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.