Malalaman ngayong araw ng Sabado ang resulta ng pagpupulong ng grupong Manibela kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung itutuloy nila ang tigil-pasada sa araw ng Lunes.
Sinabi ni Manibela president Mar Valbuena, na nitong Biyernes ay tinawagan sila ng opisyal ng Malacañang at nais silang makausap ng Pangulo.
Umaasa si Valbuena na magkakaroon ng magandang bunga ang nasabing pulong.
Subalit pinaghahanda pa rin nito ang ilang mga miyembro niya sakaling hindi napagbigyan ang kanilang hiling ay itutuloy ang kanilang nationwide tigil pasada.
Ipinaglalaban ng grupo ang pagbibitiw ni Transportation Secretary Jaime Bautista dahil sa alegasyon ng katiwalian.
Isa rin na nais nila ay ang pagpapalawig ng kanilang prankisa kung binigyan sila ng hanggang Disyembre 31 at dapat ay makisali sila sa kooperatiba para mabigyan ng prankisa sa isinusulong na modernization program ng gobyerno.