-- Advertisements --

NAGA CITY- Umalma ngayon ang mga online sellers sa Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang polisiya sa ilalim ng Price Tag Law.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Trinity Mayor, President of United Bicolanos Online Sellers (Ubos), sinabi nitong hindi madali para sa mga online sellers na isapubliko ang presyo ng bawat produkto na kanilang ibinebenta online.

Ayon kay Mayor, may sinusunod ding code of ethics ang mga online sellers at mayroon ding kanya-kanyang presyo na hindi dapat malaman ng iba para hindi sila maagawan ng mga costumers.

Aniya, ang kanilang grupo ay una namang nakipag-ugnayan sa DTI para matulungan silang makapagparehistro sa Security and Exchanged Commission (SEC).

Sa kabilang dako, nilinaw naman ni Jay Ablan, tagapagsalita ng DTI-Camarines Sur, na sumusunod lamang ang kanilang tanggapan sa kung ano ang nakasaad sa batas.

-- Advertisement --

Ayon kay Ablan, kinakailangan paring sumunod dahil may karampatang parusa ang sinumang mahuhuling lumabag sa batas.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Ablan na nagsasagawa sila ng information disseminaton para maipaintindi sa mga negosyante ang naturang batas.