-- Advertisements --
image 210

Hindi makikibahagi ang grupong Pro-Movers Transport Alliance sa nilulutong transport strike sa araw ng lunes, Oktobre-16.

Pagtitiyak ng naturang grupo na hindi nila ititigil ang pamamasada, kasama ang mga tsuper at operators na bahagi ng grupo.

Katwiran ng grupo, magiging pahirap lamang ang transport strike sa mga mananakay at komyuter.

Nakahanda rin umano ang naturang grupo na magbigay ng libreng sakay sa mga komyuter kung kinakailangan.

Una nang sinabi ng grupong Manibela na magpapatuloy ang planadong nationwide transport strike sa araw ng Lunes, bilang protesta sa umano’y isyu ng korapsyon na nangyayari sa ilalim ng transportation franching board.

Maliban dito, iginiit din ng grupo na ang isasagawang transport strike ay upang ipanawagan ang suspension sa modernization program ng pamahalaan sa mga pampublikong jeepney sa bansa.