Humihirit ang grupo ng mga teachers sa papasok na bagong administrasyon na maging prayoridad ang pagtataas sa sweldo nila na napako sa pangako ng kasalukuyang administrasyon.
Binigyang diin ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines, mas lalong napapanahon daw ang pagtataas sa sweldo lalo na at nagtataasan ang ilang mga bilihin at tuloy-tuloy pa ang oil price hike.
Binigyang diin pa ng grupo ang mababang sahod ng mga teacher ay hindi nakakasapat sa kanila lalo na sa kanilang pamilya.
Binigyang halimbawa ng grupong ACT ang naging campaign promise noon ni Pangulong Duterte at maging sa pag-upo na sa puwesto ay hindi naman natupad.
Pero sa halip umano ay mas dinoble pa ang sweldo ng mga pulis at mga sundalo habang ang mga teachers ay meron lamang kakarampot na taunang halos P1,500 bilang bahagi ng Salary Standardization Law (SSL) V.
“What we cannot understand is why is the Duterte administration hellbent on letting us teachers and consumers suffer by not suspending the excise tax on oil? Parang ang linya ng Malacanang ngayon ay mamatay na kayong lahat basta makakolekta kami ng buwis,” ani Raymond Basilio, secretary general ng ACT Philippines.