Nananawagan ng mas maigting na anti-smuggling operations ang tatlong pederasyon kaugnay sa pagbaba ng presyo ng asukal sa mill gate ng halos P1,000 kada 50-kilo na bag sa nakalipas na tatlong linggo.
Nakasaad sa joint statement nila Aurelio “Bodie” Valderrama, president ng Confederation of Sugar Producers Associations; Enrique Rojas, president ng National Federation of Sugarcane Planters ; at Danilo Abelita, president ng Panay Federation of Sugarcane Farmers na ang mabilis na pag-dive sa presyo ng asukal sa mill gate ay isang bagay na nagbigay pag-alala para sa mga prodyuser na patuloy na nakaranas sa mataas na production cost.
Hinimok nila ang mga stakeholder na maghanap ng mga paraan upang matugunan ang mga pagbaba ng produksyon dahil sa hindi magandang panahon at dagdagan ang mga gastos sa produksyon sa suporta ng gobyerno, pangunahin sa pamamagitan ng fertilizer at fuel subsidies o iba pang mga hakbang upang makatulong na mabawasan ang mga gastos sa produksyon at mapabuti ang mga ani.
Kung maalala, ang presyo ng asukal sa bawat 50-kilo na bag noong nakaraang linggo ay nasa P2,850 hanggang P2,920.