-- Advertisements --
image 1
Taal Relief Operations

LEGAZPI CITY – Ipinahiram ng Association of Police Officers via Lateral Entry-Bicol (APOLE-Bicol) ang kanilang portable solar-powered mobile phone charging station sa evacuation center sa Tanauan City Integrated High School.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Police Capt. Dexter Panganiban, information officer ng Albay Police Provincial Office, sa pamamagitan aniya ng solar genset matitiyak na palaging may karga ang baterya ng mga mobile phones ng mga volunteers at evacuees, may kuryente man o wala.

Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng komunikasyon ng mga nasa Tanauan City Tactical Command Center na counterpart sa evacuation center habang makaka-contact rin ang mga residente sa kanilang mga pamilya sa malalayong lugar.

Napag-alamang ang naturang evacuation center ang pansamantalang tinutuluyan ngayon ng halos 500 pamilya o nasa 1,500 na indibidwal.