-- Advertisements --

Nanawagan ang grupo ng mga bus operators sa bansa na dapat pag-aralang mabutin ng Department of Transportations (DOTr) ang ipinapatupad na modernization program.

Sinabi ni Alex Yague ang pangulo ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas, na labis na apektado ang grupo sa patuloy na pagtaas na gasolina at diesel.

Kasama rin dito ang pagbabawal sa ilang provincial buses na makapasok dito sa Metro Manila.

Lumalabas sa ngayon na sa kabuuang mahigit 8,000 na mga bus ay mahigit 5,000 ang pinagbawalang pumasok.

Hindi rin dapat na palitan ang mga buses na tumatakbo sa bansa dahil dagdag pa na gastos ito sa mga operators lalo ngayon na panahon pa ng COVID-19 pandemic.