Hindi pabor ang grupo ng mga pribadong ospital sa naging executive order ng Cebu province na magiging optional na lamang ang pagsusuot ng face masks sa naturang probinsiya.
Ayon kay Ayon kay Private Hospitals Association Philippines Inc. President Dr. Jose de Grano, nais nilang maipag-patuloy lamang ang pagsusuot ng face masks hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.
Iginiit ni De Grano ang kahalagahan nang pagsusuot ng face masks para mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Aniya, wala naman daw problema sa pagsusuot ng face masks dahil nasanay na rin naman dito ang mga tao dahil dalawang taon na ang pandemya.
Una rito, sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Department of Health (DoH) Sec. Francisco Duque III na malaking tulong ang pagsusuot ng face masks hindi lamang sa covid kundi pati na rin sa iba pang sakit.
Iginiit nitong dapat sundin ang itinakda ng Inter Agency Task Force (IATF) kaugnay sa pagsusuot ng face masks.
Pero sinabi rin ni Duque na kailangan nang tanggapin ng ating mga kababayan na nandiyan na ang banta ng covid sa araw-araw nating pamumuhay.