Nanawagan ang Philippine Nurses Association (PNA) sa incoming government administration na dapat ay gawing pantay ang pasahod sa mga nurses na nagtatrabaho sa pang-gobyerno at pang-pribadong pagamutan.
Nakasaad aniya ito sa panukalang Philippine Nursing Act na nagpapantay sa mga pasahod ng mga nurses sa nasa pribado at pampublikong pagamutan.
Ang mga nurses kasi na nasa pampublikong pagamutan ay nagsasahod ng mula P30,000 hanggang P40,000.
Maari pang maging apat na beses itong mataas kung sa ibang bansa sila magtatrabaho.
Ayon kay PNA President Melvin Miranda na sa ganda at taas na pasahod sa ibang ay hindi maiwasan na maraming mga nurses ang mangingibang bansa na.
Base kasi sa kasalukuyang panuntunan ay nasa 7,000 nurses lamang ang maaring payagan ng bansa na mga nurses na mangibang bansa.