Nakatakdang maglabas ng resolusyon ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na nais ng mga business community sa bansa na ipaimplementa sa Marcos administration.
Ang nasabing hakbang ay para tuluyan ng makabangon ang bansa mula sa nagdaang pandemiya.
Ayon kay PCCI president George Barcelon na ipipresenta ng mga business group kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagdalo nito sa 48th Philippine Business Conference and Expo sa darating na Oktubre 19 at 20.
Magiging guest of honor ang pangulo sa closing ceremony habang si Vice President Sara Duterte ay sa opening ceremony.
Dagdag pa ni Barcelon na laman ng resolution ang naging pag-uusap ng kanilang grupo sa mga nagdaang buwan.
Ilan sa mga laman nito ay ang pag-abot ng food security , transparent at murang health care at iba pang usapin para sa pagpapatatag ng ekonomiya ng bansa.