-- Advertisements --
Nanawagan ang grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang muling pagbabalik sa price ceiling sa bigas sa susunod na buwan.
Iginiit ni SINAG chairperson Rosendo So, na ito raw ang naisip nilang hakbang para maiwasan ang muling pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.
Inirikumenda nila na maaari raw ipataw ang price cap na P45 sa kada kilo ng local at imported na well-milled rice.
Aniya, nabibili raw kasi sa P23 hanggang P24 ang kada kilo ng inaning palay pero dahil patapos na ang anihan ay posibleng imanipula raw ito.
Ito ay dahil na rin sa papalapit na ang kapaskuhan at kasabay na rin ng pagtatapos ng harvest season.