Ikinalungkot ng Federation of Free Farmers ang mistulang pagmamadali ng gobyerno na bawasan ang taripa ng mga inaangkat na bigas.
Maalalang unang nagtakda ang Tariff Commission ng online public hearing ngayong araw para dinggin ang petition ng Foundation of Economic Freedom (FEF) na ibaba ang taripa ng bigas mula sa dating 35% patungong 10% lamang.
Ayon kay FFF National Manager Raul Montemayor, ang naturang proposal ay hindi akma sa panahon dahil sa nagsimula na ang pag-ani ng mga magsasaka ng kanilang mga itinanim na palay.
Ibig sabihin aniya, kung maaaprubahan kaagad ang panukala, tiyak na mas maraming mga importers ang makakabili ng bigas at lalo pang lolobo ang imported rice, daan upang lalo pang hindi mapansin ang mga produktong palay ng mga magsasaka.
Katwiran pa ni Montemayro na na hinding-hindi magbebenepisyo dito ang mga mahihirap dahil sa 85% ng mga imported na bigas ay premium grade na ibinebenta sa mga nakakagaang pamilya.
Pinuna rin ni Montemayor ang mabilisang paglalabas ng advisory para sa naturang hearing.
Aniya, agad itong inilabas ng Tariff Commission matapos ang endorsement nina National Economic and Development Authority (NEDA) Director-General Arsenio Balisacan and Finance Secretary Benjamin Diokno.
Sa halip aniya na ganitong paraan, nais ni Montemayor na ang Kongreso na ang bahala na mag-adjust ng taripa dahil sa trabaho ng Kongreso ng Pilipinas ang naturang proseso.