Tinutulan ng United Sugar Producers Federation (UNIFED) ang isinusulong ng gobyerno na sugar liberalization o pagpapahintulot sa mga industrial user na direktang mag-import ng asukal.
Ang nasabing hakbang ay ipinanukala ni Finance Secretary Benjamin Dioknio para pagbigyan ang mga industrial users sa plano ng pamahalaan na taasan ang buwis sa mga sugar sweetened beverages.
Ayon kay UNIFED President Manuel Lamata, na kapag natuloy ito ay mawawalan ng kabuhayan ang nasa limang milyong Pilipino na umaasa sa sugar industry.
Wala rin aniyang isinagawang konsultasyon sa nasabing plano para sa industriya ng asukal sa bansa.
Tiyak aniya na papasanin ng mga consumers ang nasabing buwis dahil tiyak na ipapasa ito ng mga industrial users ang pagpataw sa kanila ng gobyerno ng buwis.