Mariing tinutulan ni Teachers Dignity Coalition National Chairman Benjo Basas na magkakaroon ng pag amyenda sa ating 1987 Constitution partikular sa pagbibigay ng 100% foreign ownership sa mga paaralan sa Pilipinas at pinaniniwalaan niyang hindi ito kinakailangan sa ating bansa.
Inilahad din ni Basas na nakalagay sa sinasabing panukala na dapat mabigyan ng 3 level of playing field ang mga Pilipino na kung saan magkakaroon ng oportunidad na makapag-aral ang mga ito sa Harvard at Australia na siyang ginagawa ng ibang bansa gaya ng Indonesia, Vietnam at Malaysia.
Ayon sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines, sinabi nito na ang ganitong klaseng oportunidad ay hindi rin makakaya ng mga nasa laylayan o ordinaryong tao at ang mayayaman lamang ang makikinabang dito.
Samantala, naninindigan siya na mas maraming panukala ang nakasaad sa ating 1987 Constitution na tiyak na makatutulong para sa mga Pilipino.