-- Advertisements --

Positibo ang tugon ng ilang grupo ng mga guro sa naging pahayag ng Commission on Election (COMELEC) na balak nilang maglabas ng P20-milyon na pondo para sa dagdag honoraria sa mga nagsilbi noong May 9, 2022 election.

Ayon sa Alliance of Concern Teachers (ACT) na isang magandang balita ito para sa mga guro lalo na at hindi matawaran ang pagod na kanilang ipinamalas.

Humirit ang nasabing grupo na dapat agad na itong ipamahagi sa kanila.

Sa panig naman ng Teachers Dignity Coalition (TDC) na maganda ang nasabing balita sa mga guro.

Hangad din nila na dapat huwag ng paghintayin ang mga guro.

Sinabi ni TDC chairman Benjie Basas na naayon ito sa batas at dapat ay maging pantay-pantay ang nasabing pamamahagi ng honoraria.