-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng isang grupo ng mga guro na hindi sila tutol sa liderato ng Department of Education (DepEd) o maging sa gobyerno.

Kasunod ito ng paglalabas nila ng himutok dahil sa kawalan ng sapat na pahinga habang papasok na sa panibagong school year.

Ayon kay Teacher’s Dignity Coalition chairman Benjo Basas, inilalabas lang nila ang saloobin ng mga kapwa nila tagapagturo dahil pare-pareho naman silang apektado ng ganitong sitwasyon.

Giit niya, nasa batas naman na dapat mabigyan ng angkop na pahinga ang mga guro at iba pang tauhan ng mga paaralan.

Hangad umano ng kanilang grupo na makausap si Vice President Sara Duterte, na siya ring kalihim ng DepEd, para maipaliwanag nila ang iba pang sentimiyento.