-- Advertisements --

Humihingi ng pagpupulong ang Teachers Dignity Coalition (TDC) ang grupo ng mga public school teachers sa bansa kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones para mabigyan ng linaw ang bagong kautusan na pagpapalawig ng trabaho ng mga guro na lagpas ng school year 2021-2022 na magtatapos sa Hunyo 24.

Ayon kay TDC national chairman Benjo Basas na ang nasabing kautusan ay tila nagbabawi sa mga dalawang buwang bakasyon ng mga guro.

Ang nasabing pagpupulong aniya ay para malinawan dahil inaasahan nila na ma-eenjoy ng mga guro ang dalawang buwan na bakasyon sa pagitan ng pagsasara at pagbubukas ng klase.

Iginiit nito na mahalaga na magkaroon ng bakasyon din ang mga guro lalo na sa mga nagdaang COVID-19 pandemic na nagkaroon ng online activities, physical rporta, virtual at physical classess at iba pa.

Base kasi sa DepEd order 25 na pirmado ni Undersecretary Nepocemuno Malaluan, na inaatasan ang mga guro na magsagawa ng ‘summer’ o end-of-the school year classes sa mga mag-aaral na mayroong bagsak na grado.

Habang ang mga mag-aaral na mayroong 75 hanggang 79 ay dapat dumalo sa enrichment classes na gaganapin mula Hulyo 24 hanggang Agosto 12.