Hinikayat ng Teacher’s Dignity Coalition ang Department of Education na agad na ibalik sa dati ang ipinapatupad na academic calendar sa mga paraalan.
Ito ay sa gitna ng malawakang suspensyon ng klase na ipinatutupad sa iba’t-ibang mga eskwelahan sa buong bansa nang dahil sa nararanasan matinding init ng panahon sa mga silid aralan.
Ayon kay Teacher’s Dignity Coalition national chairman Benjo Basas, nanawagan ang kanilang grupo na ibalik muli sa mga buwan ng Hunyo hanggang Marso ang klase sa mga paaralan, at ang school break mula sa buwan ng Abril hanggang sa Mayo.
Naniniwala si Basas na dapat na mas pabilisin pa ng ahensya ang pagproseso sa pagbabalik sa dati ng academic calendar sa mga paaralan na sa tingin niya raw ay Kaya nang maipatupad ng mas maaaga sa susunod na school year sa taong 2025.
Aniya, ‘doable’ pa naman sa ngayon kung ipapatupad na ito dahil Kung magtatagal pa kasi aniya ang implementation ng mga klase hanggang sa Mayo 16, 2025 ay hindi aniya malayo na muling makaranas ng kaparehong dillema ang mga paaralan nang dahil sa matinding init ng panahon.
Kinakailangan aniya na magkaroon ng “optimal scheme” ang DepEd para sa adjusting sa academic calendar Para sa SY 2024-2025.
Kung maaalala, una nang iniulat ng DepEd na nasa mahigit 5,000 na mga paaralan na ang nagsuspindi ng on site classes sa buong bansa nang dahil sa matinding init ng panahon na nararanasan ngayon nang dahil pa rin sa epekto ng El Niño phenomenon.