-- Advertisements --

Hiniling ng grupo ng mga traders sa National Capital Region Regional Tripartite Wages and Productivity Board na huwag approbahan ang proposal na dagdag P100 daily minimum wage sa Kamaynilaan.

Sinabi ni Philippine Exporters Confederation Vice President Ma. Flordeliza Leong na malaking pasanin ito sa mga business owners sa kamaynilaan.

Hindi pa aniya nakakarekober ang mga ito mula sa epekto ng Pandemya at labis na pagtaas ng cost of production sa kani-kanilang mga negosyo.

Lalo lamang aniyang hindi makakabangon ang business sector kung pagbibigyan ito, lalo na at marami na ang nagsarang mag micro small and medium enterprises sa bansa.

Pinaalalahanan din nito ang mga opisyal ng NCR wage board na hindi lamang mga consumers ang apektado sa inflation kundi maging ang mga producers, lalo na ang mga nasa sektor ng manufacturing na gumagamit ng mga raw materials upang makagawa ng mga paninda o produkto.

Maalalang una nang inihihirit ng mga labor groups ang pagtaas ng sahod ng mga mangagawa sa Metro Manila dahil sa labis na epekto ng inflation o pagtaas sa presyo ng mga produkto at serbisyo.

Kabilang sa hirit ng mga nasabing grupo ay ang dagdag na P100 kada habang ang pinakamalaki ay ang doble sa kasalukuyang minimum pay o katumbas ng P1,161.00 kada araw.