-- Advertisements --

Pag-aaralan ng Credit Card Association of the Philippines (CCAP) ang interest cap na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Kasunod ito sa pagpapanatili ng BSP ng interest cap ng mga credit card ng 2 percent kada buwan o 24 percent sa loob ng isang taon.

Ayon sa CCAP, na pagdating ng Enero ay posibleng hihirit sila sa BSP na dagdagan ang credit card interest rate ceiling.

Ilan sa mga dahilan nila ay ang patuloy na pagtaas ng policy rates.

Magugunitang ang 24 percent per year interest rate o finance charge cap sa mga unpaid credit card balance ay ipinatupad noong Nobyembre 2020 para matulungan ang mga consumers na apektado ng COVID-19 pandemic.