-- Advertisements --
Ihahain ngayong araw sa Land Transportation Franchishing and Regulatory Board (LTFRB) ng grupo ng mga provincial buses ang hirit na dagdag pasahe.
Ayon sa Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) na nais nilang madagdagan ng P0.30 hanggang P0.35 sa kada kilometro ang mga pamasahe.
Noon pang 2018 ng magtaas sila ng pamasahe sa mga bus sa unang apat na kilometro.
Ayon kay PBOAP President Alex Yague na kailangan nilang gawin ito para makasabay sila sa lingguhang pagtaas ng krudo sa bansa.