-- Advertisements --
240871423 518704519223232 8712011373014698837 n

GENERAL SANTOS CITY – Pinagpyestahan muli ng mga residente nitong lungsod ang muling pagpakita ng pangkat ng butanding sa baybayin nitong lungsod matapos kunan ng video at nakipagsabayan ng paglangoy sa mga residente habang naghahanap ng makain.

Ayon kay Allan Marcilla, ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na tanda ito ng paglago ng yamang dagat dahil ang mga butanding ang kumakain ng maliliit na isda at mga tanim sa dagat.

Ngayong linggo dalawang beses ng na ispatan ang nasabing mga butanding matapos nakita sa baybayin ng Barangay Bula habang kahapon nakita naman ito sa lower Puting bato, barangay Calumpang isang milyahe mula sa lugar na una itong nakita.

Dagdag ni Marcilla na halos magkasing laki ang mahigit kumulang sa limang butanding na nakita sa dalawang lugar.

Pinaalalahan nito ang mga residente na ptotected specie ang nasabing mammal dahil mapatawan ng multa na aabot sa P1M.

Dahil dito hinde pweding lapitan kahit pa hindi ito nananakit ng tao, bawal ding sakyan u kunan ng larawan dahil sa posebilidad na mabigla u mabulag sa pamamagitan ng flash ng camera.

Matatandaan nagdaang taon namalagi ang grupo ng butangding sa Queen Tuna park nitong lungsod.