-- Advertisements --
image 78

Hiniling ngayon ng grupo ng mga administrators sa gobyerno na taasan ang subsidiya na ibibigay sa mga private school teachers.

Ayon kay Joseph Noel Estrada, managing director of the Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA), ito ay para na rin ay bilang tulong sa mga guro ng private schools na labis na naapektuhan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Dapat din umano ay tignan ng Department of Education (DepEs) ang pagtataas ng sahod sa ilalim ng Teachers’ Salary Subsidy (TSS).

Ang Teachers’ Salary Subsidy ay annual subsidy para sa mga kuwalipikadong guro ng junior high schools na makikipag-participate sa Department of Education’s (DepEd) Educational Service Contracting (ESC) program.

Layon din nitong ma-decongest ang overcrowded public high schools sa pamamagitan ng pagpayag ng mga mahihirap at deserving na mga estudyante na dumalo sa private high schools na na-subcontract ng gobyerno.

Ipinanukala rin ni Estrada na ang Teachers’ Salary Subsidy program ay mapalawig at isama na ang mga guro sa senior high school.

Kung maalala, matagal na ring nagkakaroon ng problema sa private education sector dahil sa paglipat ng kanilang mga guro sa public schools dahil sa mas mataas na sahod kumpara sa mga private schools.

Sa isinagawa namang house hearing sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na hindi na raw nila kayang itaas pa ang sahod ng mga public school teachers dahil posibleng maging dahilan ito ng migration ng mga private school teachers at pagsasara ng mga paaralan.

Sinang-ayunan naman ito ni Estrada.