Nauwi sa overtime game ang laro ng Memphis Grizzlies matapos na masilat ang Brooklyn nets, 116-111.
Ito ay sa kabila na dumanas ng injury ang Grizzlies star point guard na si Ja Morant na inilabas ng Barclays Center court area sa wheelchair sa second quarter.
Sinasabing napilayan si Morant sa kanyang kaliwang gulugod pero sa latest na impormasyon wala naman itong natamong fracture.
Nahirapan pa ring itumba ng Memphis ang Brooklyn kahit hindi naglaro ang dalawang superstar na sina Kevin Durant at Kyrie Irving.
Nanguna sa opensa ng Grizzlies si Kyle Anderson na nagtala ng 28 points, 7 rebounds at 3 assist.
Sa panig ng Nets nasayang ang pag-angat ni Caris LeVert na tumipon ng 28 points, 4 rebounds at 11 assist.
Ito ang unang talo ng Brooklyn sa tatlo nilang mga laro.
Sa anunsiyo ng Nets, pinagpahinga muna si Irving dahil sa right shoulder recovery, habang si Durant naman ay bunsod nang injury recovery sa kanyang right Achilles tendon surgery.
Kung maalala sa unang dalawang panalo ng brooklyn parehong dinala nina Durant at Irving ang koponan.