-- Advertisements --

Nagpahayag ng interest ang Memphis Grizzles na makuha si Kevin Durant mula sa Brooklyn Nets.

Ang Grizzles ngayon ang isa sa pinakabagong koponan na nagpahayag ng interest na makuha si Durant.

Ilan sa mga dito ay ang Boston Celtics at Philadelphia 76ers.

Ayon sa kampo ng Memphis na hindi sila interesado sa players swap at sa halip ay bukas sila sa pagpapalit ng anuman sa kanilang draft pick.

Hawak kasi ng Memphis ang protected first-round pick mula sa Golden State Warriors sa 2024.

Magugunitang humirit ang 33-anyos na si Durant ng trade sa kanilang free-agency dahil hindi na umano ito nasisiyahan sa koponan.