-- Advertisements --

Pumanaw na ang rock ‘n’ roll icon na si Jerry Lee Lewis sa edad 87.

Kinumpirma ito ng kaniyang kampo subalit hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye.

Pinasikat ng singer ang kantang “Great Balls of Fire”.

Taong 1957 ng niyanig niya ang mundo ng rock ‘n’ roll sa unang hit song nitong “Whole Lotta Shakin’ Goin’ On”.

Isinilang sa Ferriday, Louisiana at sa edad nitong siyam ay nagpursige itong matutong tumugtog ng piano.

Nagawa pa ng kaniyang ama na isangla ang kanilang lupain para makabili ng unang piano ng singer sa edad 10.

Sa edad nitong 14 ang unang public performance niya sa local car dealership.

Huminto siya sa pag-aaral sa paaralan para makatutok sa pagtugtog ng piano.

Paglipat niya sa Memphis ay doon pumirma ng kontrata sa Sun Studios noong 1956.

Nakasama niya sa pagkanta noon ang king of Rock and Roll Elvis Presley at Johnny Cash.

Ang ikalawang hit single nitong “Great Balls of Fire” ay inilabas noong Disyembre 1957 kung saan isinama ito sa mga pelikula gaya ng “Top Gun” ni Tom Cruise.

Ginawan pa ng pelikula ang buhay nito na gumanap bilang Jerry ang actor na si Dennis Quaid noong 1989 sa pelikulang “Great Balls of Fire”.

Siya rin ang unang tao na kinilala sa first class ng Rock and Roll Hall of Fame noong 1986.

Nitong taon lamang lamang ay na-induct siya sa Country Music Hall of Fame at dahil sa paghina ng katawan ay tinanggap ng singer na si Kris Kristofferson.

Noong 2013 ay binuksan niya ang kaniyang Jerry Lee Lewis’ Cafe and Honky tonk sa Beale Street, Memphis.