-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranang singer na si Olivia Newton- John sa edad 73.

Ayon sa kaanak nito na binawian ang singer sa kaniyang bahay sa Southern California dahil sa cancer.

Unang na-diagnosed ito na may cancer noong 1992 at limang dekadang career nito ay inilaan niya sa pagtulong sa charity.

Ang British-born at Australian raised star ay nagsagawa ng mga concerts at mga albums bilang paraan para makatulong sa charities.

Sumikat ito sa pagiging bida noong 1978 musical na “Grease” kasama ang actor na si John Travolta.

Nagpaabot naman ng mga pakikiramay at pagdadalamhati ang ilang mga kilalang singer at Hollywood actors at actress sa pagpanaw ng singer.