Bb Phl 2018 Catriona batch
Bb. Phl (Facebook photo)
Catriona (fourth queen from left)
Vickie (first queen from right)

Ibinunyag ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray na ninais nitong manalo sa 2019 Binibining Pilipinas si Vickie Marie Rushton.

Ayon sa 25-year-old Fil-Australian beauty, nakakapanghinayang lalo’t first runner-up na si Rushton sa kanilang batch noong nakaraang taon at naging malapit na magkaibigan na rin sila.

Magaling din aniya ang naging performance ng Negros Occidental beauty sa kabila ng kontrobersyal na pagsagot nito sa interview portion kung saan inabutan ito ng “time’s up” buzzer.

Gayunman, sadyang nangyayari umano ang “grace-under-pressure environment” at totoong nakakanerbyos ang question and answer (Q&A) portion.

“It’s really unfortunate. I was really rooting for her because I am close with her. She is my first runner-up from my batch, and I think she did amazingly even though the thing in Q&A happened,” saad ni Gray.

“Who knows? She might make a comeback. I would totally root for her if she was planning to join again,” dagdag nito.

Una nang inamin ni Rushton na malaki ang kanyang panghihinayang sa naging performance niya dahil pinaghandaan nito ang question and answer portion at alam niya ang kanyang tatalakayin pero na-distract ito sa nag-make face na audience.

Vicki Rushton national costume

“Nasasayangan ako kasi I know na, kung ano ang sasabihin ko, pero may nag-distract sa akin sa audience doon ako nawala,” paliwanag nito sa isang panayam. “May tumayo at nag make-face.”

Narito ang QnA kay Rushton mula sa aktor at judge na si Daniel Padilla:

“Why is mental health as important as physical health?”

Rushton: “Mental health is important as physical health beacause it is about our inner being. Having self-love is important, and as a woman, I can inspire people to take care of themselves, to take care of their minds as well as their health because they will be as effective…”

Isa siya sa paboritong manalo sa 2019 batch of candidates at isa rin sa humakot ng special awards sa coronation night.

Gayunman, hanggang Top 15 lamang ang beauty queen girlfriend ng aktor na si Jason Abalos.

Sa kabila nito, tuloy pa rin aniya ang kanyang sinimulan na advocacy.