buena mano salvo grand winner

DAGUPAN CITY – Isang helper sa canteen na mula sa lalawigan ng Pangasinan ang panibagong milyonaryo mula sa libu-libong sumali sa ginanap na Grand Draw ng promong Buena Mano Salvo Year ’14 ng Bombo Radyo at Star FM.

Hindi umano lubos akalain ni Irene Cancino, 43-anyos, tubong Otso De Mayo Basista, Pangasinan, na siya ang magiging ika-70 milyonaryo ng Bombo Radyo Philippines.

Gumamit ito ng Scratch it Card bilang kanyang proof of purchase.

Ilalaan umano nito ang napanalunang P1-milyon sa pagpapaaral sa dalawa nitong anak na nasa kolehiyo.

Itatago rin daw nito sa bangko ang ilang bahagi ng mapapanalunan para mayroong magagamit kung kinakailangan sa mga susunod na panahon.

Nabatid na si Cancino ay asawa ng isang tricycle driver.