Screenshot 2019 05 24 12 32 07
IMAGE | Sen. Bam Aquino

Nasa kamay pa rin daw ng Board of Trustees ng Philippine Science High School (PSHS) ang desisyon kung makapagma-martsa ang anim nitong estudyante na sangkot umano sa pagpapakalat ng hubad na larawan ng ilan nilang kamag-aral.

‘My representative raised the issue with me and the matter is now up for reconsideration. We will vote in favor of the recommendation of the Discipline Committee and Management Committee,” ani Aquino.

Ayon kay PSHS Board of Trustee member at outgoing Senate Science and Technology committee chairman Sen. Bam Aquino, nailatag na sa kanilang hanay ang mga suhestyon hinggil sa panawagan ng ilang estudyante at magulang na huwag pag-martsahin ang mga akusado.

Nauna ng nagkasundo ang mga opisyal ng PSHS, kasama ang student council at parent teachers associations nito na huwag payagang gumraduate ang anim na lalaking estudyante na sinasabing nagpakalat sa nude photos kanilang mga dating nobya na scholar ng Pisay.

Pero sa kabila nito ay sinali pa rin daw ng Board of Trustee sa listahan ng graduating students ang inaakusahang mga mag-aaral.