Isinusulong ngayon ni Trade Sec. Ramon Lopez ang gradual lifting ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Sinabi ni Lopez na mismong ang mga nakausap niya sa business community ang nagsabi na rin na dapat mag-ingat sa total lifting ng enhanced community quarantine.
Nabatid na hanggang hating gabi na lamang ng Abril 13 iiral ang enhanced community sa buong Luzon, pero ang dapat na gawin ng pamahalaan ayon kay Lopez ay modified o phased lifting muna.
Ibig sabihin aniya, ang mga gumagwa lamang ng inputs pagdating sa pagkain, essential products, hygiene products, medical products at supply chain nito, pati na rin ang mga supplier ng packaging inputs, raw materials at agriculture ang unang payagan na magbukas.
Pero dapat na panatilihing sarado pa rin aniya ang mga lugar at aktibidad kung saan madalas magtipon-tipon ang mga tao katulad na lamang ng mga sinehan, concerts, at iba pang mga malalaking events.