-- Advertisements --
Hindi na nakauwi pa ang isang 17 anyos na babae matapos nitong magpaalam para bumili ng cellphone load.
Kinalala ang biktima na si Sharmaine Flores, isang grade 12 student.
Nakita ang bangkay nito sa isang madamong lugar sa Barangay Bunga pasado alas-6 ng umaga ng biyernes.
Wala ng buhay nang matagpuan si Sharmaine ng kanyang pinsan sa naturang lugar para sana umigib ng tubig.
Ayon sa ina ni Sharmaine, sinabihan siya ng anak na lalabas siya para bumili ng cellphone load, Huwebes ng gabi.
Hanggang sa hindi ito nakabalik kaya hinanap nila ito hanggang mag umaga.
Posible namang panggagahasa ang rason nang pagkamatay ni Sharmaine batay sa imbestigasyon ng Pulisya.