suspect silawan cebu PNP
Silawan killing suspect Renato Payuman Llanes alyas Renren

CEBU CITY – Sumang-ayon sa piskalya ang kasong murder laban sa self-confessed killer na si Renato Llenes na siyang responsable umano sa brutal na pagkamatay sa Grade 9 student na si Christine Lee Silawan.

Ito’y matapos na ibinasura ng Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office ang kasong isinampa ng National Bureau of Investigation-7 laban sa 18-anyos naman sa suspek na si alyas Jun dahil umano sa kakulangan sa matibay na ebidensya.

Ayon sa City Police Director ng Lapu-Lapu City na si Police Col. Lemuel Obon, siniguro nilang nakakalap sila ng matitibay na mga ebidensya bago pa ito nagsampa ng kaso laban sa 43-anyos na si Llenes.

Pinatotohanan din ni Obon na hindi “scripted” ang kanilang imbestigasyon kahit inulan ito ng pambabatikos mula sa publiko.

Kasalukuyan namang nakakulong si Llenes sa Lapu-Lapu City Jail.

Kung maaalala, pinatay si Christine Lee at binalatan pa ang mukha nito noong Marso 10 ng gabi sa Lapu-Lapu City.