-- Advertisements --
gsis

Makakakuha ng kanilang Christmas gift ang mga qualified pensioners ng Government Service Insurance System (GSIS) na aabot sa hanggang sa Php10,000 cash bawat isa—simula sa December 6.

Ang cash na regalo para sa mga nakatatanda at mga may kapansanan ay katumbas ng buwanang benepisyo ng pensiyonado na kung saan Magbibigay ang GSIS ng kabuuang Php3.35 bilyon pesos.

Ang mga kwalipikadong tatanggap ng Christmas cash gift ay mga pensioner na may edad na at may kapansanan na tumatanggap ng kanilang regular na buwanang pensiyon at nabubuhay simula hanggang November 30, 2022.

Sa partikular, ito ang mga pensiyonado na nag-avail ng limang taong lump sum benefit at nagpatuloy ng kanilang regular na buwanang pensiyon pagkatapos ng Disyembre 31, 2021, mga miyembrong humiwalay sa serbisyo mula 2006 hanggang 2022 bago umabot sa edad na 60 taong gulang at nagsimulang tumanggap ng kanilang regular na buwanang pensiyon mula 2018 pataas, at iyong mga naging regular na pensiyonado nang hindi bababa sa limang taon.

Samantala, ang mga pensioner na may edad na at may kapansanan na nasa suspendido dahil sa hindi pagsunod sa Annual Pensioners Information Revalidation (APIR) ay makakatanggap din ng cash gift pagkatapos nilang muling ma-activate ang kanilang status. | Bombo Allaiza Eclarinal