-- Advertisements --
Narescue ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatalong mangingisda na siyang sakay ng isang tumaob na bangka sa bahagi ng El Nido sa Palawan.
Batay sa ulat, nakatanggap ng isang impormasyon ang Coast Guard Station sa Palawan na isang bangka umano ang lumubog sa Pasindagan Cove.
Agad namang nagpadala ng mga tauhan ang PCG para magsagawa ng search and rescue mission kung saan agad naman nilang natunton ang kinaroroonan ng mga mangingisda.
Sa kasalukuyan ay ligtas na naiahon ang mga mangingisda sa kabila ng masungit na panahon at bahagyang malakas na hampas ng alon.
Sa ngayon ay inaalam na ng mga otoridad ang sanhi ng insidente.