Nagbitiw sa puwesto bilang government minister si Sir Galvin Williamson.
Ito ay dahil sa mga paratang ng pambu-bully, na nagsasabing nilalayon niyang linisin ang kanyang sarili sa “anumang maling gawain”.
Ang Member of Parliament ay inakusahan ng pagpapadala ng mga mapang-abusong mensahe sa isang kapwa Tory MP noong nakaraang buwan at ng pambu-bully sa isang senior civil servant bilang defense secretary.
Pinabulaanan ni Sir Gavin ang nasabing alegasyon at maling gawain.
Ngunit ang nasabing mga paratang ay nagiging isang “distraction” sa kaniyang “magandang trabaho” sa gobyerno.
Sa kanyang resignation letter, sinabi niya na aalis siya sa gobyerno nang may ” kalungkutan” ngunit inalok nito kay Prime Minister Rishi Sunak ang kanyang “buo at kabuuang suporta mula sa mga backbenches”.
Tinanggap naman ni Sunak ang kaniyang resignation nang may matinding kalungkutan” at pinasalamatan si Sir Gavin para sa kanyang “personal na suporta at katapatan”.