-- Advertisements --

Muling nanumpa si Governor Ricarte “Dong” Padilla bilang gobernador ng Camarines Norte matapos ang suspensyon at ibasura ng Court of Appeals ang kasong administratibo laban sa kanya.

Sa kanyang unang araw ng panunungkulan para sa ikalawang termino, agad siyang nakipagpulong kay DOE Secretary Sharon Garin at BCDA Chairman Atty. Larry Paredes upang talakayin ang mga proyektong pang-enerhiya.

Kabilang sa mga plano ang pagtatayo ng mga windmill power plants at pagpapaunlad ng solar farms sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.

Ayon kay Padilla, layunin ng mga proyekto na patatagin ang suplay ng malinis na enerhiya, lumikha ng trabaho, at mapangalagaan ang kalikasan.

Dagdag pa niya, sisikapin niyang mapalago at mapahusay ang mga nasimulan nang programa at proyekto.

Si Gov. Dong ay kapatid ni Sen. Robinhood “Robin” Padilla.