MANILA – Pumanaw na sa edad na 102 si Sister Fidelis Atienza, ang nasa likod ng kilalang Good Sheperd ube jam ng Baguio City.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), inanunsyo ng congregation ni Sr. Atienza ang balita nitong Sabado.
Batay sa report, binawian ng buhay ang madre sa Religious of the Good Shepherd (RGS) Community sa Quezon City.
Higit anim na dekada o 66-years na naglingkod bilang haligi ng simbahan si Sr. Atienza.
Noong 1960’s sinasabing nag-umpisa si Sr. Atienza sa paggawa ng mga meryenda at pagkain tulad ng “angel cookies.” Kasunod ito ng paglulunsad niya noon ng Marian Bakery.
Pagdating ng 1976, inimbento raw ng madrea ang ngayo’y kilalang-kilala na ube jam.
Ayon sa RGS, malaki ang naitulong ng ube jam ni Sr. Atienza sa higit libong out of school youth.
Taong 1951 nang pumasok sa Noviciate of the Good Sheperd sa Los Angeles, Califorina si Sr. Atienza.
Bukod sa Baguio, namalagi rin daw ang madre sa iba pang community apostolates ng kanyang ministro sa Cebu, Hong Kong, France, Rome, at Tagaytay.
“She dedicated each moment of her day praying for the needs of the Church and the Congregation,” ayon sa RGS.
“The children in the compound were very fond of their oldest playmate; she was a delight and a source of joy to everyone whom she met.”
Magiging pribado raw ang funeral services kay Sr. Atienza sa Good Sheperd Convent sa Quezon City.