Isang prestiheyosong opening ceremony ang inihanda ng Pilipinas para sa pormal na pagsisimula ng ika-30 edisyon ng Souheast Asian Games mamayang gabi na gaganapin sa Philippine Arena sa Bulacan.
Ayon kay Palanca-award winning playwright Floy Quintos, direktor ng opening production, world-class ang mga performances na kanilang inihanda para ibida ang iba’t ibang talento at katangian ng mga Pilipino.
Masasaksihan din aniya ng mga manonood ang modernong visual effects sa pagpapaabot ng mensahe ng pagkakaisa sa pagitan ng mga bansa sa Southeast Asia.
“The opening suite, ‘Ugat ng Ating Lakas’ (The Roots of Our Strength) is a series of power dances from the Bagobo, the Kalinga, the Maguindanao and the pre- hispanic Bisayans,” ani Quintos.
“I won’t give the rest of the show away. But I can say that God, the humorous, all-seeing Bathala of the Filipinos, will be in the details,” dagdag pa nito.
Kabilang sa mga magpe-perform sa kickoff ng SEA Games ay sina Apl de Ap ng Black-eyed-Peas at Lani Misalucha para i-welcome ang mahigit 5,500 na mga atleta sa sporting events ngayong taon.
Inaasahan din na magkakaroon ng mahalagang papel sa seremonya ang Filipino Olympians na sina hidilyn Diaz at EJ Obiena, at gymnast Carlos Yulo at skateboarder Margielyn Didal.