Ibinunyag ni two-time golf major winner John Daly na nakitaan siya ng kaniyang mga doktor ng bladder cancer.

Sinabi ng 54-anyos na golfer, pinatanggal na niya ito subalit malaki aniya ang posibilidad na ito ay bumalik.

Dagdag pa nito na kaniyang oobserbahan ito at babalik sa hospital pagkatapos ng tatlong buwan para matiyak na wala na ito.

Nagpapasalamat ito dahil maaga pa lamang ay nakita na ito.

Magugunitang nakaranas na ito ng kidney stones at back pains kaya napilitan na itong magretiro sa Charles Schwab Series noong nakaaang buwan.

Si Daly ay nagwagi ng limang PGA Tour titles kabilang ang 1991 PGA Championship at 1995 Open Championship sa loob ng kaniyang 33-taon professional career.