-- Advertisements --
Pumanaw na ang actor na si Paul Sorvino sa edad na 83.
Kinumpirma ng kaniyang asawa na si Dee Dee Sorvino ang pagpanaw ng “Godfellas” actor.
Nalagutan ito ng hininga sa Mayo Clinic sa Jacksonville, Florida dahil sa natural cause.
Isinilang sa Brooklyn noong 1939 at nag-aral ito ng music dahil pangarap niyang maging opera singer.
Bukod sa pelikula ay bumida rin ang American actor sa ilang tv series sa US.