-- Advertisements --

Tiniyak ng gobyerno ng Pilipinas na prioridad pa rin itong nirerespeto ang fundamental rights ng isang tao.

Ayon kay Presidential Human Rights Committee Secretariat Undersecretary Severo Catura na sa ginawang pagpupulong nila ni United Nations Special Rapporteur Irene Khan ay natalakay ang nasabing usapin.

Kasama rin ito ang mga policy reform, programs na iniimplementa ng justice department.

Magugunitang bumisita si United Nations Special Rapporteur Irene Khan sa bansa para imbestigahan umano ang ilang kaso ng pang-aabuso sa karapatang pantao.