Plano ng gobyerno na kumuha ng mga fertilizers mula sa China.
Ito ang naging laman ng pag-uusap sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), at Philippine Trade and Investment Center (PTIC).
Sinabi ni PTIC President and Chief Executive Officer Emmie Liza Perez-Chiong, na sa inisyal ay plano nilang bumili ng 150,000 metric tonelada ng fertilizers ngayong taon sa China na nagkakahalaga ng $470 kada metric tons.
Ito ay mas mura kaysa sa dating $650 per metric tons dahil sa government-to-government arrangement.
Ang nasabing mga fertilizers ay ipapamahagi sa mga magsasaka ng libre bilang suporta sa kanila para mapababa ang presyo ng mga pagkain.
Posible sa mga susunod na araw ay ilabas ang memorandum of agreement sa pagitan ng PTIC at DA.