-- Advertisements --
dfa

Hindi inaasahan ng gobyerno ng Pilipinas na aabot sa ganitong katagal ang digmaan ng Israel sa Hamas.

Ayon sa DFA, ito ay dahil nagiging mahirap na ngayon ang sitwasyon ng mga Pilipinong nakakulong pa rin sa Gaza.

Mahigit isang linggo na ang nakalilipas, ang dose-dosenang mga Pilipino sa teritoryo ng Palestinian na humingi ng repatriation ay inaasahang makakarating na sa Egypt.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose de Vega, dapat ay nagsimula na ang pagtawid ng mga Pilipino na humingi ng repatriation ngunit aniya hindi natuloy at naantala.

Umaasa si De Vega na sa wakas ay makapasok na ang mga Pilipino sa Egypt dahil habang nananatiling sapat ang mga suplay ng pagkain.

Ayon sa opsiyal, mayroon na ngayong siyam na Pilipino sa hilagang bahagi ng lugar.

Una nang tinanggihan ng Prime Minister ng Israel na si Benjamin Netanyahu ang panawagan ng ibat-ibang bansa para sa isang humanitarian ceasefire sa digmaan ng Israel sa Hamas na ikinamatay na ng hindi bababa sa 8,000 katao sa Gaza, kabilang na ang mga sibilyan.