-- Advertisements --
May mga alok na trabaho ang gobyerno ng Austria para sa mga manggagawang Pilipino.
Kasunod ito sa pagpupulong ng Department of Migrant Workers (DMW) at Austrian Ambassador Dr. Johann Brieger.
Kasama ni Brieger sa pagpupulong ang mga representatives ng Vienna City government at Austrian Federal Economic Chamber.
Sinabi ni Brieger na ang ugnayan nila sa Pilipinas ay magdudulot ng win-win situations sa dalawang bansa.
Isa na dito ang pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino at ang pagpapalago ng ekonomiya ng Austria.
Ikinokonsidera naman ni DMW Secretary Susan Ople ang Austria bilang “promising labor market” para sa mga overseas Filipinos dahil sa mataas na demand nito sa mga skilled workers sa buong mundo.