Nanawagan si Deputy Majority Leader Ramon Rodrigo “Rodge” Gutierrez sa pamahalaan na ipagpatuloy ang pagtanggal ng multa para sa mga motorista na gumagamit ng temporary plates.
Sinabi ni Gutierrez na ito ay dahil marami pa ring plaka ang hindi naipapamahagi.
Ang pahayag ng kongresista ay kasunod ng direktiba ni LTO Chief Markus Lacanilao na suspindihin ang pagpapataw ng multa sa mga gumagamit ng pansamantalang plaka.
Ayon kay Gutierrez, ang pasyang ito ay nagpapakita ng pag-unawa at pagiging makatarungan sa mga motorista.
Dagdag pa niya, ito ay isang magandang paraan para makahanap ng mas epektibong solusyon upang mapabilis ang paggawa at pamamahagi ng mga plaka.
Binigyang-diin ng kongresista na dapat tiyakin munang maayos ang sistema bago magpataw ng anumang multa.