-- Advertisements --
Sal Panelo
Sec Salvador Panelo/ FB image

Hindi umano natatakot ang gobyerno sa banta ng kilos protesta at malawakang tigil pasada ng mga transport group sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, ang isyu sa inaangal na modernization ng public transport system ay matagal ng napagplanuhan.

Dagdag pa nito, nakatuon ang gobyerno sa interes ng publiko na magkroon ng convenient at accessible public transportation.

Tiniyak din nito na mapaparusahan ang mga transport operators na lalahok sa tigil pasada.

Kabilang sa parusa na kanilang kakaharapin ay ang pagkansela ng kanilang prangkisa.